<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/34605640?origin\x3dhttps://betcha-wwwyahoocom.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
...NOW PLAYING - LAMB OF GOD - BLACK LABEL...
Monday, September 18, 2006

WHO NEEDS CHOCOLATE?


Sabi nila, kapag depressed daw ang isang babae, dapat daw kumain ng chocolate. Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung anong meron sa chocolate at nagdudulot ito ng kasiyahan sa isang taong depressed. Marahil sasabihin ng karamihan na dahil sa sarap ng chocolate malilimutan mo ang mga problema bumabagabag sa puso't isipan mo. Ayon sa siyensiya, ang chocolate ay may "tryptophan" (isang chemical substance na nagdudulot ng kasiyahan sa katawan.)

Nang minsang ako'y binigyan ng problema at feeling ko na gusto ko nang mamatay, may isang friend na nag-alok sa akin ng chocolate para daw makalimutan ko ang mga problema ko. Pero naisip ko kung wala na ang bisa ng chocolate sa katawan ko, kakain na lang ba ako ng kakain ng mas maraming chocolate hanggang sa ako'y tumaba?

Hindi na natin kailangan pa ng chocolate para magkaroon tayo ng lakas na magpatuloy sa buhay. Kailangan lang natin ng tutulong na pasanin ang mga problemang ito. Si Jesus na mismo ang nag-aalok sa atin na "Ipagkatiwala sa kanya ang lahat ng kabalisahan sapagkat siya'y kumukupkop sayo." (1 Pedro 5:7).

"WHO NEEDS CHOCOLATE WHEN YOU HAVE JESUS"

-JESUS CARES!-





MY HAND IS YOURS


Narinig mo na siguro ang kuwento tungkol sa mag-amang tatawid sa isang mahabang hanging bridge.... Kung hindi pa, ipagpatuloy mo ang pagbabasa...

Bago sila tumawid, sinabi ng ama sa kanyang anak, "humawak kang mabuti sa kamay ko." Ngunit sumagot ang anak, "ayoko, gusto kong ikaw ang humawak sa akin." Ngumiti ang ama at itinanong kung ano ang ipinagkaiba. Sinabi ng anak, 'kapag ako ang kumapit sa'yo baka makabitaw ako, pero kung ikaw ang hahawak sa akin, tiyak na hindi mo ako bibitawan."

Ipinakikita sa kuwentong ito kung gaano nagtiwala ang anak sa ama. Makadarama ng kasiyahan ang sinuman na binibigyan mo ng tiwala mo.

Kapag tayo ay buong pusong nananampalataya sa panginoon makapagdudulot sa atin ito ng lubos na kapayapaan. Kung tayo ay nakakaranas ng hirap, ang pinakamainam na gawin ay "magtiwala kayong palagi kay Yahweh, pagkat siya ang kublihang walang hanggan." (Isaiah 26:4). Ipangako mo sa kanya ang iyong kabuuan at hayaan ang Diyos ang maging piloto ng buhay mo.

Oh ikaw, hinayaan mo na bang ang Diyos ang humawak sa kamay mo???


Laid to Rest at 1:39 AM;


Name:
Age:
Email:


September 2006



LINK
LINK
Blogskins


<--- TAGBOARD HERE --->


Design & layout by
-[ AYINLADYDEATH ]-
LAMB OF GOD