"WHO NEEDS CHOCOLATE WHEN YOU HAVE JESUS"
-JESUS CARES!-
MY HAND IS YOURS
Narinig mo na siguro ang kuwento tungkol sa mag-amang tatawid sa isang mahabang hanging bridge.... Kung hindi pa, ipagpatuloy mo ang pagbabasa...
Bago sila tumawid, sinabi ng ama sa kanyang anak, "humawak kang mabuti sa kamay ko." Ngunit sumagot ang anak, "ayoko, gusto kong ikaw ang humawak sa akin." Ngumiti ang ama at itinanong kung ano ang ipinagkaiba. Sinabi ng anak, 'kapag ako ang kumapit sa'yo baka makabitaw ako, pero kung ikaw ang hahawak sa akin, tiyak na hindi mo ako bibitawan."
Ipinakikita sa kuwentong ito kung gaano nagtiwala ang anak sa ama. Makadarama ng kasiyahan ang sinuman na binibigyan mo ng tiwala mo.
Kapag tayo ay buong pusong nananampalataya sa panginoon makapagdudulot sa atin ito ng lubos na kapayapaan. Kung tayo ay nakakaranas ng hirap, ang pinakamainam na gawin ay "magtiwala kayong palagi kay Yahweh, pagkat siya ang kublihang walang hanggan." (Isaiah 26:4). Ipangako mo sa kanya ang iyong kabuuan at hayaan ang Diyos ang maging piloto ng buhay mo.
Oh ikaw, hinayaan mo na bang ang Diyos ang humawak sa kamay mo???